May Day Eve

(This was for a TV series that sadly didn’t go up. it was of course based from the great Nick Joaquin short story of the same title. -bjc)

INT. gueda’s house, bedroom – morning

Ala-sais ng umaga, ayon sa nagwawangwang na orasan.  Magigising si GUEDA sa kanyang kama. Nakatira siya sa isang town-house, may karangyaan ang mga muwebles. Papatayin ni GUEDA ang alarm. Babaling siya sa tabi, umaasang mayayakap ang kanyang dating kasintahan. Walang tao. Bubuntung hininga siya.

Kita sa orasan ang di mawangis na anino.

Ext. Street – afternoon

Nagmamaneho si Gueda. Malungkot. Konserbatibo siya manamit. Bahagyang kita sa mga salamin ng mga nadadaanan niyang gusali ang aninong sumusunod na parang lumilipad.

INT. Basement parking lot – LATER

Halos mapundi na ang ilaw sa multi-level basement parking: papatay-buhay. Bababa si Gueda sa kanyang kotse at dideretso sa elevator. Sasakay siya. Puro salamin ang pader ng elevator. Nang pasara ang pinto kitang papasok ang anino.

Int. Elevator – CONTINUOUS

Malalim mag-isip si Gueda habang umaakyat ang elevator.

Int. Office, green room – afternoon

Papasok si Gueda sa green room ng opisina. Salamin na pader ang bumabakod sa green room at sa mga cubicle. Matatagpuan niyang nagkakape sina ANNE at BEA. Maraming lalaki sa opisina: nag-pho-photocopy, nag-co-computer, naglalakad na may dalang mga sobre, atbp.

BEa

O, Gueda, huli ka na naman sa pagpasok. Tanghalian na.

Anne

Hayaan mo na siya, Bea.

Bea

Sabi ko na nga ba sa’yo, pag hinayaan mong anuhin ka ni Badong, wala na kayong problema.

Gueda

Sorry, hindi kasi ako ganoon. Dapat pakasal muna.

BEA

At kaya mamatay kang virgin.

Anne

Bea…

Bea

Kung ako lang yan, siguradong all the way. Si Badong pa!

Anne

Bea, ang bastos ng bibig mo. Insensitive.

Hindi papansinin ni Bea si Anne.

BEA

Hay nako, Gueda! Sabi ko na nga ba sa’yo itigil mo na yang pagmamaktol mo at kumuwa ka na ng bagong boyfriend. Be pro-active. Ang dami-dami diyan o!

(Ituturo ang mga lalaking empleyado.)

Mayaman, matanda, bata, guwapo macho. Take your pick. Lahat ‘yan naghahanap lang ng madadali.

Anne

Huwag ka makinig diyan; tigang kasi.

Bea

Diyos ko, Mother Superior! Na-promote at na-promote na nga tayong tatlo, wala pa ring kasama sa kama.

ANNE

Bea… Tama na muna.

Gueda

Salamat Anne. Bea.

Papasok si BADONG.

Badong

(nakatungo)

Good morning, Gueda

Hindi papansinin ni Gueda si Badong. Tatabi si Badong, at magtitimpla ng kape.

Katahimikan.

Bea

Ay, diyahe. Sayang, guwapo pa naman.

Susutsutan ni Anne si Bea. Nakatingin sa Malayo si Gueda.

Anne

Okay ka lang?

Gueda

(nagsisinungaling)

Oo. Okay na okay ako.

Patlang.

Bea

(bulong)

O, kayong dalawang lonely. I-sha-share ko sa inyo sikreto ko: Nung bata pa kami, may kuwento sa’min ng Lola ko-

Anne

Purkit di namin pinapatulan lahat ng madaan, ‘lonely’ na kami?

Bea

Diyos ko, nagmamagandang loob na nga lang… Basta nung ginawa ‘to ni Lola nalaman niya kagad kung sino aasawahin niya.

Anne

Pamilya mo talaga, puro tigang!

Bea

Magnobena ka na lang.

Anne

Ka-bre-break pa nga lang nina Gueda, tapos irereto mo ka’gad siya sa bago?

Bea

Basta! 100 percent sure ‘to. Tried and tested.

Anne

Ginawa mo na?

Bea

Oo.

Anne

Nakita mo na magiging asawa mo?

Bea

Oo.

Anne

E, bakit ang landi-landi mo pa ‘rin?

BEA

‘Ba hanggat di pa ako natatali, tutuka lang ako ng tutuka. Sayang naman ganda ko.

Gueda

O. Ano na ‘yun?

Patlang.

Bea

(pabulong)

Sa kalaliman ng gabi,humarap ka sa salamin na may hawak na kandila-

Anne

-Tunog horror!

Makiki-usyoso si Badong.

Bea

-Tapos sa ‘pag patak ng hating gabi, dapat sakto a, kundi… e basta, ‘pag patak ng hating gabi, sabihin mo ‘to, “salamin, salamin/’pakita sa akin/ taong mamahalin.”

Gueda

Tapos? Ano mangyayari?

Bea

Makikita mo sa salamin ang lalaking pakakasalan mo. Si Mister Right!

Anne

Naniniwala ka ba diyan? Usap-usapan lang ‘yan ng matatanda.

BEA

Anne, ikaw di ka magkaka-asawa. Pang-jologs kasi suot mong salamin. Bakit di ka mag-contacts?

Mahihiya si Anne. Itatago ang salamin.

Bea (CONT’D)

Kung ayaw niyo maniwala, kayo bahala. Kayo rin. Tatanda kayong dalaga.

Titingin si Gueda kay Badong.

Gueda

Pamahiin lang ata ‘yan.

Lalapit si Badong sa tatlo, iniiwasan ang tingin ni Gueda.

BadONG

Gueda…

Lalayo si Gueda.

Badong (CONT’D)

Bea, may gagawin ka ba ‘pag-off mo?

BeA

Wala naman.

Badong

Puwede ba tayo mag-usap mamaya?

Bea

Sure, anything for you, handsome.

Titignan ni Anne si Gueda. Lalabas si Gueda ng green room,
susunod si Anne.

Bea (CONT’D)

O, saan tayo mamaya? May bagong restaurant sa Wilson Avenue. I’m sure magugustuhan mo yung…

Patuloy na dadakdak si Bea. Hindi nakikinig ni Badong, sa halip ay pinapanood si Guedang papunta sa cubicle niya. Sa salaming pader kita ang anino— ngayon may porma na ng isang LALAKI.

Int. GUEDA’S HOUSE, living room- night.

Nakaharap si Gueda sa isang magarang salamin. Nakapang-tulog na siya.  Pinaglalaruan niya ang orasan, iniisip kung gagawin ba niya ang payo ni Bea. Sa harap niya may kandila at posporo. Kita sa orasan na 11:58 na.

GUEDA

Sige na nga!

Sisindihan ang kandila.

Gueda (CONT’D)

(nakapikit, sa sarili, parang nagdarasal)

Badong… Badong… Badong…

Hihingang malalim.

Gueda (CONT’D)

Salamin, salamin, ‘pakita sa akin, taong mamahalin.

Kita sa orasan na 12:01 na.

Biglang mamatay lahat ng flourescent sa bahay. Sa bahagyang ilaw ng buwan, kita ang anino ng isang lalaki.

GUEDA (CONT’D)

Badong?

Dahan-dahang, lilinaw ang wangis ng anino: estranghero, guwapong lalaki, naka-kurbata at pulang turtle-neck shirt at masama kung makatingin.

Mapapasigaw at madarapa si Gueda.

Patlang.

Susubukang hawakan ng anino si Gueda, subalit hindi niya magawa sapagkat hindi makalusot ang kamay niya sa salamin.

Bubukas ang ilaw. Wala na ang anino. Tatakbo si Gueda paakyat sa kanyang kuwarto.

——————————————————–GAP 1

InT. office – NIGHT

Over-time sa opisina nina Gueda. Nag-iinuman ang mga taoo habang nagtratrabaho. Magkakasama sina Gueda, Bea at Anne sa isang tabi.

Bea

Ito gusto ko ‘pag overtime, biglang lumalabas ang alak. Parang party!

ANNE

Basta siguraduhin lang natin  mahahabol natin yung deadline.

Bea

Yes boss. O, tignan mo maganda ka pala pag hindi ka naka-glasses.

Anne

Party naman e.

Bea

Hihi… nagdadalaga.

Mapapansin ni Beang tahimik si Gueda.

Bea (CONT’D)

O, Gueda, bakit iced tea ka lang?

Gueda

Hindi ako umiinom. Sorry.

Bea

Iyak-iyak ka riyan. Naglalasing ka sa juice.

Anne

May prublema ka Gueda?

Gueda

Wala lang ‘to.

Bea

Hmmmm… May tinatago ka ‘no? Kuwento mo na nangyari kagabi. Sige na.

Anne

Ginawa mo talaga ‘yun? Yung ‘Salamin, salamin?’

Bea

Sabi ko sa’yo e, effective di ba?

Anne

So, may nakita ka nga?

Katahimikan.

Gueda

Oo.

Bea

Macho? Guwapo? Ano? detalye naman diyan!

Dadaan si Badong, halatang gusto maki-upo.

Gueda

Shhh…

Bea

Pake ko.

(pa-cute)

Gue naman o, di ba walang taguan sa magkakaibigan?

‘Pag lampas ni Badong.

Gueda

Guwapo. Naka-kurbata. Naka-pulang pang loob.

Bea

(titili)

Ayyyyy! Sabi ko na nga ba! I’m so happy for you. Guwapo na mayaman pa!

Anne

Ano ka ba, Bea?

Bea

Heh! Bahala ka diyan Anne.

Gueda

Pero…

Bea

Pero ano? ‘Pag may kapatid siya sabihin mo sa ‘kin a. Promise?

Gueda

Pero… Si Badong talaga gusto ko makita kagabi…

Aalog ang tasa ng alak na nasa lamesa.

Gueda (CONT’D)

Kahit ano naman gagawin ko, magkabalikan lang kami.

Bea

Hay naku! Wala na kayo ni Badong. Tama na ‘yun. Move on, dear.

Anne

If anything Bea, alam naman nating lahat na gustung-gusto mo si Badong.

Mapapatahimik si Gueda. Mapapansin ni Anne.

Anne (CONT’D)

Sorry, Gueda, pero payo lang ng kaibigan: mag-intay ka muna; you need time to think, time for yourself.

Titindi ang pag-alog ng tasa.

Bea

Sayang naman yung guwapo.

Anne

Kahit sandali lang. Isang taon na ‘No to boys. No to relationships. Yes to you.’

Sasabog ang tasa.

Bea

Ay diyos ko!

Magmamadali si Badong para pulutin ang mga piraso ng nabasag na tasa gamit ang kanyang mga kamay. hindi siya nag-iingat, at bigla siyang matutusok ng piraso.

BadoNG

Aray!

Tatapalan ni Bea ng tissue ang sugat ni Badong. Lalandiin ni Bea si Badong.

Bea

Kawawa naman si Prince Charming.

Iiwas si Badong nang mapansin niyang pinapanood sila ni Gueda.

Gueda

Kala ko magkaibigan tayo, Bea.

BadONG

Walang nangyari sa’min, Gue. Kailangan mong maniwala sa akin.

Gueda

Magsama kayong dalawa.

Kukunin niya ang bag niya at tatakbo palabas, mangiyak-ngiyak. Dideretso siya sa elevator.

BADONG

Gueda!

Hahabulin ni Anne at Badong si Gueda subalit masasaraduhan sila ng elevator. Ilalabas ni Anne ang kanyang selepono.

Int. ElevATOR – CONTINUOUS

Kinakalkal ni Gueda ang bag niya habang pababa ang elevator. kinakausap niya ang kanyang sarili.

Gueda

(umiiyak)

Ano ba naman si Bea? Akala ko joke joke lang na natitipuan niya si Badong tapos may nangyayari na pala. At si Badong naman, ang kapal ng mukha. ‘Mahal’ niya raw ako. Isipin mo ‘yon kaibigan ko pa pinatulan.

Mapapansin ni Gueda na katabi niya ang lalaking nakita niya nang nakaraang gabi.

Gueda (CONT’D)

Sorry. Nakakhiya naman.

(pupunasan ang mata)

Hi. I’m Gueda.

Nang subukan kamayan ni Gueda ang lalaki mapapansin niyang nasa salamin lang ang kanyang katabi at wala sa pisikal na mundo. Tumama lang sa salamin ang kanyang kamay. Kita ang imahe ng dalawa nang paulit-ulit sa mga repleksyon sa mga salaming pader ng elevator. Pagbukas na pagbukas ng mga pinto, tatakbo siya palabas.

Int. BasEMENT PARKING LOT – CONTINUOUS

Sa basement parking kung saan patay-buhay ang ilaw takot siyang maglalakad nang patingin-tingin, hinahanap ang katatwang mama. Ilalabas niya ang selepono niya at tatawagan si Anne. Maririnig niyang nag-uusap si Badong at Anne.

GUEDA

Hello, Anne. Anne?

Anne

(sa selepono)

Badong, please, siguraduhin mong tama ‘tong hinahabol mo pa si Gueda.

Badong

(sa selepono)

Bakit ano pa bang gagawin ko, Anne?

Anne

(sa selepono)

Dito ka na lang Badong. Si Bea naman talaga gusto mo di ba?

(mapapansing kausap niya na si Gueda)

Gueda? Gueda? Nasaan-

Galit na ititigil ni Gueda ang tawag. Kukunin ang susi at maglalakad papuntang kotse niya.

Int. office hall leading to the elevator – CONTINUOUS

Nag-hihintay si Anne at Badong sa may pintuan ng elevator. Ibababa ni Anne ang kanyang selepono.

ANNE

Si Gueda. Narinig niya tayo.

Sasapakin ni Badong ang pader sa inis.

Anne (CONT’D)

Badong, hindi ko alam ginagawa mo sa kaibigan ko pero, Badong, please, tigilan mo na si Gueda. Nanakit ka na lang.

Badong

Walang nangyari sa’min ni Bea. Wala talaga. Anne, mahal ko si Gueda.

Titigan lang ni Anne si Badong.

Badong (CONT’D)

Kailangan mong maniwala sa akin.

Anne

Hindi ko alam, Badong. Pero kung mahal mo talaga si Gueda, dito ka muna. Hayaan mo siyang magpalamig.

Badong

Kailanan ko pa siyang kausapin! Kailangan niyang malaman na walang nangyayari sa amin ni Bea, na mahal ko-

Anne

-Badong. Ako na bahala. Ako na kakausap sa kanya. Sasabihin ko sa kanya lahat ng sinabi mo sa akin. ‘Pag baba ko, umuwi ka na muna, matulog ka, tapos paghandaan mo sasabihin mo kay Gueda bukas.

Bubukas ang mga pinto at papasok si Anne.

Badong

Salamat, Anne.

Hindi nila mapapansin ang lalaking nasa salamin.

Anne

I’m so happy for you guys.

Ngingisi ang lalaki. Sasarado ang mga pinto.

——————————————————–GAP 2

Int. baseMENT PARKING LOT – MOMENTS LATER

Bubukas ang pinto ng elevator. Lalabas si Anne. Pabukas-patay pa rin ang ilaw. Tinatawagan niya sa selepono niya si Gueda. Ayaw sumagot ni Gueda. Ibaba niya ang selepono.

Anne

Kailan ba nila papaayos ilaw dito? Baka may maaksidente.

Isusuot ni Anne ang kanyang salamin.

Anne (CONT’D)

Hindi ko ba alam kung bakit tinatanggal ko pa ‘to; naimpluwensiyahan yata ako ni Bea.

Maglalakad-lakad si Anne. Tinatawag si Gueda. Sa paningin niya patag at malayo pa ang espasyong puwedeng lakaran.

ANNE (CONT’D)

Gueda! Gueda! Umalis na yata siya.

Subalit sa katotohanan, palapit na siya nang palapit sa bakod na bumubukod ng una at pangalawang palapag ng basement parking lot. Susubukan niya ulit tawagan si Gueda pero ayaw pa rin sagutin ni Gueda.

Anne (CONT’D)

Bakit ba ayaw mo sumagot, Gue?

Mahuhulog si Anne. Mababagok ang kanyang ulo. Magdurugo.

Mabagal siyang gagalaw na para bang hinihila ng di makitang nilalang. Sa mga bintana ng kotse, kitang hinihila siya ng lalaki upang itago.

INT. office – AFTERNOON

Sa isang gilid ng opisina, nagbubulungan sina Badong at Bea.

Badong

Alam mo ba nangyari kay Anne kagabi?

Bea

Hindi ba kayo magkasama?

Badong

Hindi. Pinuntahan niya si Gueda nung umalis siya
kagabi.

Bea

Gueda. Gueda. Panay bukam-bibig mo si Gueda. Badong, may bago na si Gueda.

Badong

Ano?

Bea

Nung isang gabi ginawa niya… yung… pamahiin.

Badong

Anong pamahiin?

Bea

…Na ‘pag sa hating gabi humarap ka sa salamin, makikita mo ang taong mapapangasawa mo.

Badong

Sino nakita niya?

Bea

Hindi ko alam. Basta hindi ikaw. Kalimutan mo na si Gueda. Badong. Nandito ako para sa’yo.

Nabulabol, mapatatahimik si Badong.

Badong

Ano yang pinaggagawa niyo? Delikado ‘yan. Malay niyo demonyo pa makita  niyo.

Lalakad palayo si Badong. Magtatagpo sila ni Gueda.

Gueda

Hello. Badong.

Hindi papansinin ni Badong si Gueda, halatang problemado ang na-una. Makikita ni Gueda si Bea. Tatalikuran ni Bea si Gueda at babalik sa trabaho. Maglalakad si Gueda tungo sa cubicle niya. Maririnig niyang nagtsitsismisan ang dalawang lalaking, sina OFFFICE WORKER 1 at OFFICE WORKER 2 .

Office worker 1

O, alam mo ba nangyari kagabi kay Badong?

Office worker 2

Oo, grabe talaga yun. Nag-barkada pack!

OFFICE WORKER 1

Hindi nga nakapasok si Ma’am Anne ngayon e.

OFFICE WORKER 2

Masyado yata napagod kagabi. Happy-happy!

Office worker 1

All night long!

Magtatawanan ang dalawa. Mapapansin nilang nakikinig na pala si Gueda.

OFFICE WORKER 1 (CONT’D)

Ma’am, good afternoon.

Bibilisan ni Gueda ang paglakad niya. Babatukan ni Office Worker 2 si Office Worker 1.

Uupo si Gueda sa harap ng computer niyang naka-on. Sa simula, susubukan niyang matrabaho pero halatang hindi siya mapakali at makapag-concentrate, pa-ulit-ulit niyang binubuksan ang drawer niya, maglalagay ng mga folder, mag-sta-staple ng papeles atbp.. Bigla siyang sisigaw at itatapon ang mga papeles na nasa mesa.

Mapapatigil ang gawain sa opisina.

I-ta-type ni Gueda ang dasal sa pamahiin. Pa-ulit-ulit. Mula sa bulong, habang ti-na-type niya, sinasabi niya nang palakas nang palakas ang kanyang pagdasal.

Gueda

Salamin, salamin, ipakita sa’kin, taong mamahalin! SALAMIN, SALAMIN, IPAKITA SA AKIN TAONG MAMAHALIN! SALAMIN SALAMIN IPAKITA SA AKIN TAONG MAMAHALIN!!!

Palapit na si Bea, Badong at ilang kalalakihan sa cubilcle ni Gueda.

Makikita ni Gueda sa computer screen ang lalaki. Tatalikod siya. Wala roon ang lalaki.

GuEDA (CONT’D)

Magpakita ka na. Sige na! Libreng-libre na ako. Tara! Gusto mong date? Gusto mo diretso pa sa kama.

Susubukan kalmahin ng ilang lalaki si Gueda. Mas magagalit pa siya. Magwawala. Magtatapon ng mga gamit sa office.

GUEDA (CONT’D)

Mamahalin kita. Kahit ano gagawin ko para sa’yo. Kahit ano! Nakikinig ka ba?

Lalapit sina Badong at Bea.

Bea

Gueda ano nangyayari sa’yo? Stop it. Nakakahiya.

GUEDA

Mahiya ka sa balat mo.

Badong

Gueda…

Kukunin ni Gueda ang kanyang mga gamit, lalabas. Maiiwanan si Bea at ang iba pang mga empleyadong nakatunganga, hindi maintindihan kung anong nangyari.

Ext. sTREET – NIGHT

Nagmamaneho si Gueda. Mag-isa lamang ang kotse niya sa kalsada. Umiiyak. Kita sa salamin na tinatahan siya ng lalaking naka-upo sa upuan ng pasehero.

——————————————————–GAP 3

Int. Gueda’S HOUSE, bedroom – NIGHT

Hapon pa lamang subalit may kadiliman na. Natutulog si Gueda sa kanyang kama. Sa tabi ni Gueda may bote ng alak na halos maubos at isang basong may laman pa.

Unti-unting gagalaw ang kumot na nakatapal kay Gueda. Hindi kita ang humihila.

Uungol si Gueda na parang nakikipagtalik.

Tutunog ang alarm clock, ala-sais na ng gabi. Pareho pa rin ang suot ni Gueda mula sa nakaraang araw. Hindi siya pumasok sa trabaho. Maaring hinubad niya lamang ang kanyang blusa para maging mas kumportable.

Int. Bedroom – NIGHT

Mapapanaginipan ni Gueda na nakikipagtalik si Badong kay Bea.

Int. GUEDA’S HOUSE, BEDROOM – NIGHT

Ang mistulang masarap na panaginip ay naging bangungot na.

Tutunog ang telepono. Magigising si Gueda. Patatagalin niya ang pag-ring ng telepono subalit sa huli ay sasagutin niya pa rin ito. Pagewang-gewang siyang maglalakad patungo sa telepono

Boss

(sa telepono)

Good evening, Ms. Gueda Valdez.

Gueda

Sir?

Boss

We would like to inform you that due to your conduct yesterday and your poor performance during the recent weeks, you have been suspended until further notice.

Katahimikan. Titingin sa kalayuan si Gueda.

Boss (CONT’D)

Also, if you have any information regarding the whereabouts of Ms. Anne Casiple we would greatly appreciate it.

Gueda

Si Anne po, sir?

Boss

Yes. Ms. Casiple has been absent for two days already.

Gueda

Wala po akong alam.

Boss

She was last seen exiting the office two nights ago with Mr. Romualdez-

GuEDA

Si Badong…

Lalaki

We have already contacted her family but-

Mababagsak ni Gueda yung telepono.

Lalaki (CONT’D)

Pati si Anne. Pati si Anne. Wala na akong kaibigan. Mga taksil. MGA PUTANG INANG TAKSIL!

Iinom pa siya at babagsak sa lapag. Lasing na subalit may malay pa rin. Iiyak si Gueda.

Int. bASEMENT PARKING LOt – NIGHT

Naglalakad si Badong kasama sina Office Worker 1 at 2. Hindi pinapansin ni Badong ang panggagantso ng dalawa. Sa katunayan, inis na siya.

OffICE WORKER 1

O kamusta naman buhay-babaero?

OFFICE WORKER 2

Di ka pa natuwa sa isa.

OFFICE WORKER 1

Badong, sa’tin sa’tin lang na-ano mo na ba yung tatlong sabay?

Titigil si Badong.

Badong

Naaamoy niyo ba yun?

OffICE WORKER 1

Hay nako, umiwas.

Badong

Hindi. May mabaho.

Office WORKER 2

Oo nga parang may namatay na pusa.

Maglalakad si Badong patungo sa kabinet sa may isang dulo ng parking lot. Susunod ang dalawa. Bubuksan ni Office Worker 1 ang kabinet. Mahuhulog ang katawan ni Anne. Bali ang leeg niya at dalawang araw na naagnas sa kabinet.

Office worker 1

Si Anne! Patay na si Anne!

Magsisigawan sina Office Worker 1 at 2. Nakatulala lamang si Badong. Maglalabas ng selepono si Office Worker 2 at tatawag sa pulis.

OFFICE WORKER 2

Hello? Hello? Police. Hello! May natagpuan po kaming katawam ng patay…

Habang kinakausap ni Office Worker 2 ang pulisya, patuloy na tulala si Badong. Maalalala niya ang kuwento ni Bea.

BEA (v.O.)

Tumingin sa salamin… Makikita mo ang mapapangasawa mo… Ginawa niya yung pamahiin.

Badong (v.O.)

Baka demonyo pa makita niyo…

Biglang tatakbo si Badong papunta sa kanyang kotse.

Office WORKER 1

Saan ka pupunta? Badong? Badong?!

Int. GueDA’S HOUSE, bedroom – NIGHT

Nasa lapag pa rin si Gueda. Tatahan na siya at matapos umiyak ay idarasal:

Gueda

Salamin, salamin, ipakita sa akin, taong mamahalin. Salamin, salamin, ipakita sa akin…

Parang nasapian, unti-unting ibaba ni Gueda ang kamay niya papunta sa kanyang ari. Magsasalsal si Gueda.

Sa repleksyon ng bintana sa kalayuan kitang nanonood ang lalaki.

Gueda (CONT’D)

Ang taong mamahalin. Salamin, salamin, ipakita sa akin, taong mamahalin. Salamin…

Sa repleksyon kitang palapit nang palapit ang lalaki, mabagal na binabagtas ang distansya mula sa salamin at kay Gueda.

Gueda (CONT’D)

Salamin, ipakita sa akin taong…

Maririnig ang doorbell. Papasok si Bea. Mawawala ang anino. Titigil sa pagsalsal si Gueda. Wala sa sarili niya si Gueda.

Bea

Ano ginagawa mo? Bakit ka umiinom? Hindi ka naman umiinom ‘di ba?

GUEDA

Lumayas ka.

Bea

Gueda, nag-aalala kami lahat sa office sa’yo. Yung nangyari kahapon…

Maduduwal si Gueda. Tatakbuhin ni Bea si Gueda at kakalungin.

Gueda

Lumayas ka.

Bea

Nasusunog ka. May lagnat ka ba? Oh my!

Gueda

Huwag mo ako hawakan.

Itutulak ni Gueda palayo si Bea.

Bea

Gueda, gusto ko lang malaman mo. Wala talagang nangyari sa’min ni Badong. Oo, totoong sinubukan ko… Sorry. Hindi ko lang napigilan sarili ko… W-wala. Gueda, ikaw ang mahal ni Badong. Kahit anong pilit ko…

Gueda

(bumabalik sa sarili)

Si Badong… Mahal ako ni Badong?

Bea

Oo. Ikaw lang naman talaga minahal ni Badong… Wala wala lang ‘tong break up niyo. Huwag ka mag-alala. Maaayos din lahat ito.

GUEDA

Ako ang mahal ni Badong…

Tatayo ang dalawa.

Bea

Oo.

Gueda

(nahihilo; parang kagigising lamang)

Lahat gagawin ko makuwa ko lang siya.

Bea

Hindi maganda pakiramdam mo… Alam ko na. Kukuha lang ako ng gamit tapos babalik ako. Mag-slee-sleep over tayo.

GueDa

Sige…

Bea

Hintayin mo lang ako… Dadaanan ko na rin si Anne. Tayong tatlo.

Katahimikan

GUEDA

Salamat Bea.

BEA

What are friends for? Sige… kukuwa lang ako ng gamit tapos susunduin ko si Anne.

Gueda

Sige.

Magngingitian ang dalawang magkaibigan. Mag-aakapan.

Gueda (CONT’D)

Bati na tayo?

Bea

Kelan ba tayo nag-away?

Lalabas si Bea. Mag-aayos si Gueda at papanoorin si Beang pasakay na sa kotse niya.

Sa gulat ni Gueda, may katabing lalaki si Bea sa upuang pampasahero. Susubukan niya pang tumingin nang mas malapit. Sa repleksyon ng salamin, makikita ni Gueda si Badong. Sa pisikal na mundo walang katabi si Bea.

Gueda

(sa sarili)

Salamin… salamin…

Parang nasapian muli, kukunin ni Gueda ang selepono niya. Mag-tetext: It’s over Badong. Bibitawan ang selepono.

Ext. stREET – NIGHT

Nagmamaneho si Bea. Sa windshield niya bigla niyang makikita ang lalaki nakatayo sa kalagitnaan ng kalsada. Susubukan umiwas ni Bea. Babangga siya sa pader. Duguan subalit buhay pa si Bea.

Mag-isa lang ang kotse ni Bea sa kalsada. Wala na ang lalaki.

——————————————————–GAP 4

Int. gueDA’S HOUSE, bathroom  – NIGHT

Sa kalayuan naririnig ang pag-ring ng telepono. Hindi ito pinapansin ni Gueda.

Nasa paliguan si Gueda, tulala, kaharap ang bathtub na puno na. Huhubarin ang blusa at bra.

Gueda

Salamin… salamin…

Huhubarin ang skirt.

Gueda (CONT’D)

Ipakita sa akin…

Huhubarin ang panty.

Gueda (CONT’D)

Ang taong mamahalin.

Mabagal na babagtasin ni Gueda ang tiles tungo sa bathtub. Nasa repleksyon ng tubig ang lalaki. Ngingiti si Gueda.

GUEDA (CONT’D)

Taong aking mamahalin…

Papasok si Gueda sa bathtub.

ExT. stret – NIGHT

Nagmomotorsiklo si Badong patungo sa bahay ni Gueda. Makikita ni Badong ang kotse ni Bea. Kukunin ni Badong si Bea mula sa guho ng kotse.

BadONG

Bea anong nangyari?

Bea

Yung lalaki… yung lalaking nakita ni Gueda sa salamin… nandito siya kanina. Nakita ko siya…

Badong

Anong lalaking nakita ni Gueda?

Bea

Puntahan mo siya Badong… Baka kung ano mangyari sa kanya…

BADONG

Ano mangyayari sa kanya? Bea… Bea…

Bea

Ayon sa pamahiin… kapag hindi mo makita ang taong mapapangasawa mo… makikita mo ang demonyo… Puntahan mo siya… Delikado.

Mamatay si Bea.

BadonG

Bea!

Titingin si Badong tungo sa town house nina Gueda. Patay lahat ng ilaw maliban sa kandilang nagliliyab sa sala.

Int. gueda’s House, living room – NIGHT

Sarado ang lahat ng ilaw. Maliban sa kandilang naiwan sa mesa. Kaharap ni Gueda ang magarang salamin kung saan una niyang nakita ang lalaki. Nakapangtulog si Gueda.

Hahalikan niya ang lalaking kita sa salamin na hahalik pabalik.

Bubukas ang pinto. Papasok si Badong at makikitang hinahalikan ni Gueda ang lalaki sa loob ng salamin.

BadONG

Gueda, layuan mo siya!

Hihilahin ni Badong si Gueda palayo sa salamin.

Gueda

Huwag!

Bubuhatin ni Badong ang mesa at babasagin ang salamin.

Gueda (CONT’D)

Bitiwan mo ako!

BADONG

Gueda, demonyo siya!

GUEDA

Wala akong pakialam, mahal ko siya.

BADONG

Halika na!

Hihilahin ni Badong si Gueda patungo sa motorsiklo niya sa labas.

Ext. Gueda’S HOUSE, outside  – CONTINUOUS

Hinihila ni Badong si Gueda.

Gueda

Huwag mo ako hawakan. Puntahan mo si Anne! Si Bea! Kung sino ba talaga mahal mo.

BadONG

Patay na sila, Gueda! Patay na si Anne. Patay na si Bea.

GUEDA

Bakit hindi mo na lang ako hayaan maging masaya?

Badong

Demonyo ‘yon, Gue! Hindi ka ba nakikinig sa akin?

GUEDA

Wala akong pakialam!

Itutulak ni Gueda ang motorsiklo ni Badong. Tatakbo muli siya papasok ng bahay. Susunod si Badong subalit maabutan lamang na sarado na ang pinto- kinandado ni Gueda.

BadONG

Papasukin mo ako, Gueda!

Gueda

Iwanan mo na kami!

Maririnig ang mga yapak ni Gueda palayo. Susubukan ni Badong sirain ang pinto sa pag tapon ng katawan niya rito. Matapos ang ilang pagsubok, makakapasok na siya.

Int. Gueda’S HOUSE – CONTINUOUS

BADONG

Gueda! Gueda nasaan ka na!

Makikita ni Badong sa iba’t ibang bagay na nagpapakita  ng repleksyon ang lalaki: tv, doorknob, relos, atbp.. Parang tumatakbo ang lalaki, pinaglalaruan si Badong.

Badong (CONT’D)

Huwag mo siyang hahawakan, narinig mo ako?

Makakakita siya ng silya at sisirain ito hanggang makuwa niya ang isang paa. Babasagin niya lahat ng mga bagay na may repleksyon.

Puno na ng bubog ang lapag.

Ihuhulog niya ang paa ng silya. Hihingang pagod. Nang akala niya patay na ang halimaw, bigla siyang mahihila pababa, kinakaladkad sa mga piraso ng mga basag na salamin.

Duguan na si Badong. Titigil ang pagkaladkad. At matapos ang sandaling katahimikan, makikitang gumagalaw ang mga bubog na nasa katawan ni Badong— kumakayod, pumapasok sa loob ng balat niya.

Sa isang malaking piraso ng salamin sa kalayuan, makikita ni Badong ang paa ng lalaki. Tatakbuhin niya ito. Kakayod ang salamin sa palad ni Badong, subalit titiisin niya. Hahanapin ni Badong ang lalaki gamit ang repleksyon sa salamin.

BADONG (CONT’D)

Magpakita ka, duwag!

BaDONG (CONT’D)

Lalaki ka ba talaga!

Badong (CONT’D)

Harapin mo ako!

Matapos ang matagal na hanapan ay matatagpuan ni Badong ang imahe ng lalaki sa likod niya.

Tatalikod si Badong handang saksakin ang lalaki gamit ang pirasong salamin na hawak niya. Pero pagtalikod niya ay ang nakita niya ay hindi ang lalaki kundi si Gueda. May hawak ding piraso ng salamin si Gueda. Matitigilan si Badong. Sasaksakin ni Gueda si Badong.

——————————————————–GAP 5

Int. OfFICE – DAY

Normal na araw sa opisina.

OFFICE WORKER 1

Sayang talaga si Anne at si Bea, ‘no?

OFFICE WORKER 2

Ano kaya nangyari roon?

OFFICE WORKER 1

Ewan, freak accidents. Pulis na siguro bahala.

OFFICE WORKER 2

Hay nako. Kung pulis sa Pilipinas, walang mangyayari. Magiging urban legend na lang ‘to.

OFFICE WORKER 1

Narinig mo ba yung kuwento ni Gueda at ni Badong? Yung multo raw pumatay sa kanila?

OFFICE WORKER 2

Sino ba maniniwala sa mga multo in this day and age? Wala. Na-trauma lang yung dalawa.

Patlang.

OFFICE WORKER 2 (CONT’D)

Chicks pa naman sina Anne at Bea.

OffICE WORKER 1

Oo nga, chicks.

Papasok si Gueda at si Badong, magkaakap. Benda-benda pa si Badong.

OFFICE WORKER 1 (CONT’D)

(sa iba pang mga katrabaho)

Heto na sila.

Maglalabas ng malaking streamer ang mga empleyado at mga pagkain.

All employees

(sabay-sabay)

Congratulations!

Badong

Ano ba naman, Gue, kinwento mo sa kanila?

Gueda

(nahihiya; nakangiti)

Sorry…

Office WORKER 1

Sorry-sorry… Proud na proud nga ‘yan sa wedding ring niya. Ayan o!

Kukunin ni Office Worker 1 ang kamay ni Gueda at iprepresenta ang wedding ring.

Itatago ni Gueda ang kamay niya.

Gueda

Ano ba?!

Office WORKER 1

Congratulations sa mga ikakasal!

Hiyawan.

Badong

(blushes)

Nakakahiya naman ‘to. Maraming salamat sa inyong lahat.

Office WORKER 1

O, kelan na ang binyag?

OFFICE WORKER 2

Wala pa ngang kasal binyag kagad?

OFFICE WORKER 1

Si Badong yata ‘yan. Pati tigang na si Badong, di ba Gueda?

Gueda

Oo naman. Motto ko kaya yun: No sex before marriage.

OFFICE WORKER 2

Kaya nga kayo nag-break di ba?

OFFICE WORKER 1

Matalino rin ‘tong si Badong ‘no? Para maka-sex dinaan sa kasal!

Badong

Grabe naman kayo kung manlait.

OFFICE WORKER 1

O sige na, iwanan natin ang love birds. Kainan na!

Hiyawan.

Maraming daraan at kakamayan si Badong. Tinitignan lamang ni Gueda si Badong, nakangiti.

Kakain ang mga empleyado. Maiiwan sina Badong at si Gueda.

BADONG

I love you.

Gueda

Ang corny mo talaga.

BADONG

Hindi mo sasabihin?

GUEDA

Na ano?

Badong

Na mahal mo rin ako?

GUEDA

(mang-aasar)

Baka… Mamaya…

Tara kain na tayo.

Int. EleVATOR – NIGHT

Nakasakay sa elevator si Gueda at si Badong. Magkayakap. Wala ang imahe ng lalaki sa mga salamin.

Ext. street –  nIGHT

Pauwi si Badong at si Gueda mula sa date. Nakahandusay ang ulo ni Gueda sa balikat ni Badong na nagmamaneho. Nakapikit si Gueda, minumudmod ang ulo niya sa balikat ni Badong na parang pusa, kumpurtableng-kumpurtable.

Nakikinig sila sa isang mabagal at romantikong tugtugin.

Int. Gueda’s hOUSE, Living room – NIGHT

Nasa sala si Badong at si Gueda, nanood ng isang comedy TV show. Nakahiga si Gueda sa binti ni Badong. Masarap ang tawa ng dalawa.

INT. gUEDA’S HOUSE, bedroom – NIGHT

Ayon sa relos: alas-dose na ng gabi.

Nakapang tulog na ang dalawa. Hihiga si Badong sa tabi ni Gueda. Malalim ang tingin ni Badong sa mga mata ni Gueda.

GUEDA

Mahal din kita.

Sa punto-de-bista ni Badong, kita sa mga mata ni Gueda na baliktad ang imahe niya. Nasapian na siya.

WAKAS

© 2012 Jay Crisostomo IV

This site is paid by ideas. Go ahead. Comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s